SERVICE CONTRACTING PROGRAM, MAGPAPATULOY NA SA ILALIM NG GENERAL APPROPRIATIONS ACT 2021!
Muling ilulunsad ng Department of Transportation (DOTr), sa pamumuno ni Secretary Art Tugade, at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa liderato ni Chairman Martin Delgra III, ang SERVICE CONTRACTING PROGRAM sa Biyernes, ika-10 ng Setyembre 2021 upang matulungan ang mga kababayan nating operator at driver na naapektuhan ang kita dahil sa pandemya.
Ang pagpapatuloy ng programang ito, kung saan may nailaang P3-Bilyong pondo sa ilalim ng General Appropriations Act of 2021, ay naging posible sa tulong at suporta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, at Senator Bong Go.
BENEPISYO SA DRAYBER, OPERATOR AT COMMUTER
Sa ilalim ng Service Contracting Program, binibigyan ng pagkakataon ang mga operator at driver na kumita base sa bilang ng trip na kanilang itinakbo kada linggo, may sakay man sila o wala.
Ang pondo ng programa ay hindi ibinibigay ng bulto o isang bagsakan lamang sa loob ng ilang linggo o buwan. Ito ay isang performance-based incentive na ibinibigay sa mga operator at driver na kasali sa programa base sa bilang ng trip na itinatakbo ng kanilang sasakyan kada linggo.
Dahil sa panunumbalik ng programa, sa susunod na linggo ay inaasahang magpapatuloy na ring muli ang Libreng Sakay para sa Health and Medical Frontliners, essential workers, at Authorized Persons Outside of Residence (APOR).
PAANO SUMALI SA PROGRAMA
Ang mga sumusunod ay ang mga batayan ng pagsali sa Service Contracting Program:
a. May valid at existing Certificates of Public Convenience (CPC);
b. May Provisional Authority (PA); at
c. May Special Permit na pinahihintulutan ng Board na ipagpatuloy ang pagpapatakbo sa mga bukas na ruta sa buong bansa, ayon sa modes/denominasyon na kinikilala.
Para sa mga interesadong PUV operator sa Metro Manila, maaaring makipag-ugnayan sa Central Office ng LTFRB. Para naman sa mga PUV operator sa rehiyon, makipag-ugnayan sa inyong LTFRB Regional Franchising and Regulatory Offices (RFRO) upang maging bahagi ng programa.
Mangyari lamang na magsumite ng mga sumusunod na requirement para makapag-apply sa programa:
a. Tatlong (3) orihinal na kopya ng nilagdaan na kontrata sa ilalim ng SC-Program;
b. Tatlong (3) kopya ng Registration Form;
c. Tatlong (3) orihinal na kopya ng SEC Registration o Board Resolution na nakasaad na ang isang representative/kinatawan na ito ay pinahihintulutan na pumirma sa ngalan ng kooperatiba, consortium, o korporasyon;
d. Tatlong (3) malinaw na kopya ng dalawang (2) valid IDs ng awtorisadong representative na may tatlong (3) orihinal na pirma;
e. Tatlong (3) piraso orihinal na kopya ng Affidavit of undertaking upang pagtiyak ng pagbabayad ng mga suweldo at benepisyo sa mga driver, na maaaring hiniling ng batas manggagawa at iba pang naaangkop na mga batas, kasama na ang pagpapalabas ng Board na ibinigay na walang pagbawas sa mga benepisyo ng mga driver; at
f. Para lamang sa consolidated TPUJ and UVE kailangan mag submite ng tatlong (3) piraso ng orihinal na Secretary Certificate para sa upang patunayan na ang mga indibidwal na kasapi ay sumang-ayon na pahintulutan ang awtorisadong kinatawan ng Kooperatiba / Corporation na pumasok sa isang kontrata sa ilalim ng Serbisyo sa Kontrata ng Serbisyo sa LTFRB, at ang mga pagbabayad para sa pagbabayad ay dapat bayaran sa Kooperatiba / Korporasyon at hindi sa mga indibidwal na miyembro.
Regular na bisitahin ang LTFRB Official Facebook page para sa mga karagdagang impormasyon na ilalabas, patungkol sa Service Contracting Program sa mga susunod na araw. Para naman sa mga karagdagang katanungan, maaaring tumawag sa LTFRB Program Implementing Unit Office – (02) 8529 – 7111 loc 845, loc 837, o sa LTFRB 24/7 Hotline: 1342.
Tara na sa biyahe tungo sa mas #PinahusayNaPasada!
1 Comment
𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 G𝗼𝘃’𝘁 O𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀 M𝗮𝘆 A𝗽𝗽𝗹𝘆 𝗳𝗼𝗿 Civil Service E𝗹𝗶𝗴𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆 – Balita News
3 years ago[…] the number of years covering the term of office of the appointing Punong Barangay and may include services rendered under previous […]