Davao City – 35 sachet ng hinihinalang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na ipinalaman sa siling labuyo ang naharang sa Davao City Jail Male Dormitory kahapon, Setyembre 7, 2021.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), tinatayang nasa P256,000 ang hinihinalang shabu na naharang at tumitimbang ito ng humigit-kumulang 16 na gramo na ipinalamanan sa loob ng siling labuyo na hinaluan ng ulam na humba at adobong manok nang matagpuan ito ni Jail Officer 1 Honey Queen Sedon matapos ang masusing paghahanap.
Ang suspek na kinilalang si Richard Caybot, 40, na residente ng Calinan, Davao City, ang nagdala ng nasabing mga item bilang isang “paabot” sa pasilidad.
Naaresto siya at dinala sa Talomo Police Station.
1 Comment
Drugs Sneaked in Philippine Jail – Balita News
2 years ago[…] Facility, said their custodial guards intercepted a package containing four grams of suspected shabu delivered for detained foreigner Yang Heejun, […]